Biglaang Kalungkutan.
RSS
Shanine, not your average feline. *meow*
Potterhead. 9gagger. Alone Forever.

NOTE: friendzonedfeline will follow back as this is just a second blog, same account.
Thanks.:)

Para itama ang pagkakamali? 

Para punan ang mga pagkukulang?

O para patunayan kung gaano ka katanga para paulit-ulit syang pagbigyan?

Hindi lang naman siguro ako ang may paborito sa One More Chance na pelikula. Sa mga kanina lang pinanganak, yun yung movie ni Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na iniwan ni Basha(Bea) si Popoy(John Lloyd) after maging sila for 5 years, nagkaron ng bagong girlfriend si Popoy, nagselos si Basha, nagkabalikan sila. Sorry, hindi ako magaling sa pagbibigay ng gist ng movie. Pero wew, damang-dama ko si Popoy. Oo, baliktad. Ako si Popoy pagdating saming dalawa.

Yung part na pareho silang may kasamang iba. We’ve been to the point na pareho kaming may pinagseselosan. Marami syang kaclose na babae, at minsan sa super selosa ko, nakakalimutan kong Ms.CCMIT-slash-Bb.PUP nga pala ako at naiinsecure pa din ako sa kanila. Madami din akong crush, pero hindi ibig sabihin nun ipagpapalit ko sya. Ancute nya lang tingnan pag nagseselos sya. :3

“After 10years, ganito pa din kaya tayo?”

“10..11..12..13..Fourteen, forever and ever!”

Nak ng tokwa’t baboy. Gasgas na ‘tong linyang ‘to eh. Syempre madami na kaming pinlano tungkol samen. O baka ilusyon ko lang yun. Paris, World of Harry Potter, marami kaming pangarap na puntahan ng magkasama. At ngayon pangarap na lang sya talaga.

“What if? hindi ko na gusto to. what if were not growing together anymore? what if we could be HAPPIER pero nagtyatyaga lang tayo.” Yan yung dahilan nya eh. Palagi nalang kasi kami magkasama. Napapahiwalay ako sa barkada minsan, at ganun din sya. Naiintindihan ako ng barkada ko, pero hindi sa side nya. Sabi ko nga dun sa isang blog ko, nagsimula sya magbago nung magkatrabaho na. Nag-iba na yung perspective nya. Maraming nadagdag sa mga plano nya, at sa kasamaang palad, hindi na pala ako kasama.

“O SIGE! makipagbalikan ka na naman sa kanya tapos mag-away na naman kayo tapos mgbalikan na naman kayo tapos magaway na naman ulit kayo!” Kaya ko nagawa tong blog na ‘to. Rindi na sila, sawa na sila. Hindi ko na makausap yung mga kaibigan ko tungkol sa kanya kasi sawang-sawa na sila sa mga kadramahan ko, at hindi din naman daw ako makikinig kahit anong sabihin nila. Witness sila kung pano nya ako iniwan dati, pano kami nagkabalikan at pano kami nauwi sa tuluyang hiwalayan. Inis na sila. Isang iyak ko pa, sangkaterbang kutos na ang aabutin ko sa kanila.

“Alam mo ba’yung three month rule, ha?! Lahat ng nagmahal at nasaktan alam ‘yun! Kailangan mo muna maghintay ng three months bago ka magka-boyfriend ulit! *puto kutsinta* naman Bash! May dalawang linggo pa ko!Ba’t ba kating-kati kang palitan ako?!” BINGO. Nasabi ko yan sa kanya, well not actually lahat. Yung “Bakit ba kating-kati kang palitan ako?!” part, ay grabe, yun na ata ang pinakabitter na linyang nabitawan ko. Masakit, hindi ko alam kung dahil mahal ko pa sya at nasasaktan ako, o dahil hindi ko matanggap na sya masaya na, samantalang ako lugmok pa.

“Ipikit mo ang mga mata mo, para kung masaktan man ako.. di mo makita.”  Lagi akong nagtatago tuwing nasasaktan ako dahil nya, lalo na pag umiiyak ako. Mababaw lang luha ko. Lumalabas ako ng room, bibili ng pagkain, may maidahilan lang para makaalis dun at hindi na masaktan pa. Ayokong makita nya akong ganito. Masaya na sya, at ayoko nang makaramdam pa sya ng kahit anong guilt o awa.

“Minsan, it’s better for two people to break up.. so they can grow up. It takes grown ups to make relationships work.” Kailangan ko pa bang ulitin yung quote ko? Like trees, people need to planted apart in order for them to grow. Who knows, in the end magtagpo ang mga dahon at sanga namin kapag pareho na kaming mature.

“10 seconds nalang, PROMISE.. 10 seconds nalang.” Yung tagpong tinititigan ni Popoy si Basha ng palihim, for 10seconds. Argh. Masokista na kung masokista, pero ginawa ko yun. Last Valentines. Masaya silang kumakain, nagkkwentuhan, nagtatawanan, samantalang ako nakasilip sa may likod lang nila, nasasaktan. “Isang lingon lang, please.” Oo, ako na tanga. </3

“Lecheng Shampoo yan hindi pa ko tinuluyan! TAKE ME LOOOORD!!” Yes, I reached the point na hiniling ko na sana pinatay na lang nya ako ng tuluyan kesa yung araw-araw nya akong inuunti-unting saktan. Ang torture ko sa sarili ko, MURIATIC. Kaso ang morbid naman ata kung iinumin ko. Kapag depressed ako, sinisipag ako. Madalas ko mapagtripan yung CR namin. Magkukulong ako sa loob, maglilinis, hanggang sa ma-suffocate ako sa usok dahil ng muriatic at manghina ako. Diretso tulog. Atleast mawawala sya kahit papano sa isip ko. Tuwing naiisip ko magpakamatay, iniisip ko yung mga taong nagmamahal saken, lalo na si Mama na umiyak ng sobra nang minsang magkulong ako sa cabinet maghapon. Suffocate talaga torture ko sa sarili ko. Akala ko masisiraan na din ako ng bait nung mga panahong yun. Kaso masamang damo daw ako, at normal na ata sakeng maging weirdo.

“Well it’s an exciting time Bash, but at the end of the day, even though things have changed, some things remained the same diba? kaya dapat wag mo kakalimutan ang lumang ikaw.” Gustong gusto kong sabihin sa kanya ‘to, pero wala akong pagkakataon para kausapin sya. Hindi na sya nakikinig nung bumibitaw na sya, at ngayon hindi kami nag-iimikan, nagngingitian, o kahit magtinginan man lang. Parang walang pinagsamahan.

“Baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi baka merong bagong darating na mas OK, na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay naten, nang lahat ng mali sa buhay mo..” Araw-araw nirerecite ko ‘to. Pramis. Araw-araw may nagsasabi din neto sakin. Well, not the exact same words, but same thought. Pilit ko pinapaniwala yung sarili ko na okay na ako. Pilit ko sinasabi sa sarili ko na balang araw, babalik din yung dating ngiti ko.

“Hindi mo alam kung gano ko kagustong sabihin sayo na.. sana tayo nalang, tayo nalang ulit. pero pag sa tuwing mararamdaman ko kung gano kita kamahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit. And I’M SORRY. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon, para makalimutan ko na ang lahat ng sakit, para maalala ko ang lahat ng maganda at mabuti saten. para bumalik ang Popoy na nawala nung ngkahiwalay tayo.”

Masasabi ko kaya balang araw ‘tong linyang ‘to? Madami na ding nagtanong saken. “Pano kung bumalik sya?”. At yan yung sagot ko. 

“Mahal na mahal kita, at ang sakit-sakit na.”

</3

  1. craziesmily05 reblogged this from biglaangkalungkutan and added:
    THIS. READ :) LOLXD #OneMoreChance
  2. pinkvioletbrown reblogged this from biglaangkalungkutan
  3. jamfinity reblogged this from biglaangkalungkutan
  4. sheleftwithnoreason reblogged this from biglaangkalungkutan
  5. imperfectlyperfff reblogged this from biglaangkalungkutan
  6. yoursweetmaria reblogged this from biglaangkalungkutan
  7. giababe reblogged this from biglaangkalungkutan
  8. clarrenbananababy reblogged this from secretsofamute
  9. secretsofamute reblogged this from biglaangkalungkutan and added:
    Yung part na pareho silang may kasamang iba. We’ve been to the point na pareho kaming may pinagseselosan. Marami syang...
  10. nthendlessly reblogged this from biglaangkalungkutan
  11. idoloveyoubatman reblogged this from biglaangkalungkutan
  12. themasochistprincess reblogged this from isangbinibini
  13. isangbinibini reblogged this from biglaangkalungkutan
  14. theartisansblock reblogged this from biglaangkalungkutan
  15. maeannenopolis reblogged this from biglaangkalungkutan
  16. whyousosexy reblogged this from biglaangkalungkutan
  17. gwenyyy reblogged this from biglaangkalungkutan
  18. stratford-dreamer reblogged this from biglaangkalungkutan
  19. hindiakotangamahallangtalagakita reblogged this from biglaangkalungkutan
  20. biglaangkalungkutan posted this