Biglaang Kalungkutan.
RSS
ShanineFrancesLesaca.
19.PUPian.BSIT.
Potterhead. 9gagger. Alone Forever.

Bakla magsalita, tomboy kumilos, lalaki manampal, babae kung magmahal.
Nagpapaka-weird, kunwari pa-deep, sarap sapakin.

Anonymous asked: direct to the point na po ako. gusto ko sya at mahal ko na rin ata sya, kya lng may gusto syang iba at mukang mhal na rin nya. meron ka bang maiaadvice or anything? tnx po :|

Tanong: Babae ka ba or lalake?

Kasi yung gagawin mo, it depends eh.

KUNG BABAE KA: siguraduhin mo muna kung “mahal na ba talaga nya”.   Mahilig kasi tayong mga babae sa mga “tamang hinala” eh. Same with your feeelings. Mahal mo na ATA? Siguraduhin mo muna. Icheck mo yung kilig meter, tawag ka muna sa Bantay Puso 143, inquire mo status ng puso mo. Then magdecide ka kung ano bang gusto mong mangyare sa buhay mo. Kung crush/gusto mo lang, at nakikita mong may “iba”, aynako ‘teh, marami ka pang oras, hindi pa huli ang lahat para i-undo ang feelings mo. Kung sa tingin mo “mahal” mo na, tanungin mo ulit sarili mo kung anong plano mo sa buhay. Gusto mo ba syang maging boyfriend? Is he worth fighting for? But then, I know hindi ako yung tamang tao para magsabi sayo nito, pero masamang maghabol sa lalake. 

KUNG LALAKE KA NAMAN: at kung mahal na mahal mo talaga, ipaglaban mo. Hanggat hindi pa sila, may pag-asa ka pa. Pag-asang mag-effort, ipakita dun sa girl na mahal mo sya, lahat. Find your advantage sa karibal mo. Gamitin mo. Ang mga lalake madiskarte yan. Pag gusto may paraan, pag gustong-gusto, makikipagpatayan. *syempre joke lang* It’s never too late. Who knows? Maniwala ka sa suntok sa buwan.  

But then, whether you’re a girl or a guy, you must know your limits. A wise person knows WHEN TO STOP. Hindi ko dapat iutos sayo yun, kasi ikaw mismo yung makakaramdam kung kelan yun. :)

Sabi ko nga sa last post ko, kung anu-ano nakita ko kakahanap ng completion form ko. Isa na dun ‘tong notebook na ‘to. Akala ko nga nung una kung anu-ano lang nakasulat eh, pero nagulat ako sa mga nabasa ko. Naiyak ako, nabuhay na naman lahat ng sakit sa puso ko.

June 16 2011. Late. Happy birthday Sir Inovero! Pagdating, test agad. Eh pasado. Yown, iwas reporting. Hahaha. Pagtawag ko kina Hanei nung umaga, nakaalis na daw. 2:30pm pa pasok namin ah. Nalate pa sya. Guess who? With her. :( Ang sakit. Hindi ako nakaconcentrate sa lessons. Hindi ako makareklamo, kundi ako kawawa. Here’s the catch, hiniram ko fone nya, and I saw “Dito na ako Starmall Dod.” Hayy. Nuff said. Sabi nya sa school nya nung HS sya nanggaling. Here we go again. Wala akong narinig na sorry. All I heard was “Kaya mo pa ba?”. “Kaya ko pa.”

P.S. Sana magbago ka na. :(

June 24 2011. May nakita na naman ako sa FB. :(

Mark Jason Sanje —-> Era Gregorio:

Crush! Paaccept nung isa mo pang account. Yung Eralyne Orquia. Haha. Nawala ka na lang bigla eh. Buti nalang namiss kita kaya napansin ko. Haha.

June 15@9:17pm

Recent lang. Hayy. Ang sakit naman. Kakabili ko lang nung gift ko para sa nalalapit na birthday nya, hindi ko ginastos yung pera kong pambili dapat ng kailangan ko para lang mabilhan sya, tapos ganito yung isusukli nya. Ang sakit. Alam nya kasing mahal na mahal ko sya. :(

July 9 2011.

Dear Hanei,

Kumusta ka na po jan sa Paris? Hihi! Hindi na po ako tinitreat ni Jason na parang girlfriend kaya po naisip ko na lang na nasa Paris ka, at nagtatrabaho para masundo mo ako dito at madala na jan! Hihi! Miss na miss na po kita.. Araw-araw po ako susulat sayo simula ngayon ah.. Miss na po talaga kita eh.. Wala na pong sumasabay sa akin pauwi.. Wala na din pong nagtetext saken na nag-aalala.. Wala na din po akong kausap sa school palagi.. Wala ka po ee. :(

Alam mo po ba Hanei, ibang-iba si Jason sayo.. Niaaway ako lagi at nipapaiyak. Kanina nga po nag-away kami eh.. Maghapon po kasi sya hindi nagtetext, kaya nikukulit ko.. Tapos nagalit sa akin. :( Tapos nung tinanong ko po kung anong dapat gawin, sinosobrahan na yung kapalit. Isang kasalanan ko lang, andaming conditions. :( Ang kapalit kanina, hindi na sya magtetext at magloload lang sya kung kelan nya gusto. :(

Tapos kahapon, pinag-awayan namin yung suot nyang Spongebob. Pareho kasi sila nakasuot nun, para tuloy couple shirt. Talaga namang iba na tingin ng barkada ko eh, tapos ako pa din yung mali. May kapalit na naman, idedate nya sa Starbucks yung crush nya. Sakit po. :(

Hanei, miss na miss na po kita. Palagi ka nalang nila hinahanap saken. Sabi ko, “Bawal tanong!” Hihi! Kasi po namimiss kita lalo.. Hindi po ako sanay ng wala ako laging kasama.. Sobrang lungkot ko po ngayon.. Hindi lang po ako makareklamo kay Jason kasi gagalit yun, sungit! Hmf. Hihintayin po kita bumalik Hanei.. I love you so much po. :)

July 10 2011.

Dear Hanei,

Masaya po ako kahapon sa acquaintance party! Hihi! Kahit po hindi ko nakasama masyado barkada ko pero okay lang po! Atleast ikaw kasama ko. :) Medyo OP po ako sa table kasi barkada ni Hanei kasama ko pero okay lang, ang mahalaga andun ikaw.. Medyo niiiwan ako lagi kasi busy sa pichur pero okay lang. Ang saya ko po nung umaga, niyakap ako ni Hanei habang umiiyak ako, at nagsosorry sa akin. Sana hindi na natapos yun. :)

July 19 2011.

Dear Hanei,

Nasa inyo po ako maghapon! Pero wala po ikaw, nasa trabaho maghapon. :( Tapos nagalit pa si Jason.. Hindi po kasi nagtetext kung nasan na sya, kaya tinext ko po yung barkada nya, tapos nagreply sya bigla, “Wag ka nga muna magtext, para laging nawawalang bata.” Sabi mo po kasi 6-7pm ka uuwi eh, 9pm wala ka pa. :( Hintay ako ng hintay sa bahay nyo, wala akong kausap. :( Tapos hindi talaga nagtext hanggang sa umuwi ka na ng 11pm. Inaway mo ako pagdating, hanggang sa nauwi na sa breakup.. Ayoko pakawalan ka, pero ayaw mo na. :( I tried to hold you and tell you straight to your eyes na sobrang mahal kita, pero hindi ko sinasadyang mahagip yung pimple mo at dumugo yun. At dahil dun nagalit ka sakin, tinulak at sinaktan ako. Nagsorry ako. Ang iniisip ko galit ka lang kaya ganyan yung trato mo. Kahit sobrang sakit bawat ulit mo ng “HINDI NA KITA MAHAL.”, pilit kong iniintindi yun. :) Kinabukasan, nagmakaawa pa din ako, LUMUHOD na ako bumalik ka lang, at ayun, ang dami na namang kondisyon. :( Ayaw mo na akong pasamahin sa swimming, at bawal na ako magtanong kung asan ka. :(

July 20 2011.

Dear Hanei,

Nakasabay po natin classmate mo nung HS sa jeep, pero hindi mo ako pinakilala. Ikinakahiya mo na po ba ako? Hindi mo na ata talaga ako gusto. :( Nagtest tayo, at magkakatabi tayong tatlo. Pero hindi mo ako pinapansin, sya lang kinkausap mo. Hanei, susuko na ata ako. :(

July 21 2011.

Wala na si Hanei. :( Sabi nya kagabi, napilitan lang syang bumalik. Dahil sa promises nya. :( Pero hindi na nya ako mahal. :( I cried all day. Hindi na ako pumasok kasi sabi mo ayaw mo na makita pagmumukha ko. Namamaga na po mata ko. I still love you. :( Iniisip ko nalang, isang malaking prank lang ang lahat. Na one day, isusurprise mo ako and you would tell me, “Hanei! Wala kang kamalay-malay noh, kasabwat ko lahat para paniwalain ka.. Sorry po ganito naisip ko, hindi ko po kasi alam kung pano ka isusurprise eh, lahat kasi nahahalata at nalalaman mo! Andito na po ako uliiiit! Sorry po! I love you so much!  ♥”

Hayy. Single na yung FB status nya. Pero, yung mga gifts ko pa din yung DP nya. Hindi na nya suot yung kwintas na binigay ko, pero he’s still using the bagtag. Pero malamang, hindi na ako yung wallpaper ng fone nya. At hindi na ‘aa_HaneiQ’ ang pangalan ko dun. Pero atleast kahit ganito kami, kinakausap na nya ako sa FB chat. Konti. :(

July 22 2011.

Dear Hanei,

2nd day na wala ka and it’s already killing me. Hayy. Andaming nagmamahal saken, andaming nagcocomfort at andaming nagsulputang bolero. Pero iba pa din kung nasakin ka eh. Hayy. I miss you so much hanei ko. Nagpunta po ako kina Marveen para magpaturo ng InDesign, para matuwa ka naman sa gagawin ko sa website natin, baka magalit ka na naman kasi pag palpak ako. :( Hanei, tinatago ko pa din yung ramen.. kasi po hindi ka nakakain nun last time diba? Wait po kita pumunta dito, kain tayo ramen, okay? ;)

July 25 2011.

Dear Hanei,

Sumuko na po ako. :( Sorry po, sobra na e. :( Nasasaktan na din po ako sa mga tao sa paligid, pag sinasabi nilang may iba kang dahilan kaya mo ako iniwan. :(

Nakita po kitang hinatid mo sya. Pero sinisiksik ko pa din sa utak ko na wala kang iba. :( Sumuko na po akong suyuin kang bumalik, pero hindi po sumuko yung puso kong mahalin ka. Kahit hindi mo alam, araw-araw pa din po kitang mamahalin, okay po? ;)

August 1 2011.

Dear Hanei,

Nasasaktan po ako kasi malungkot ikaw. :( Hindi dahil ko, dahil nya. Dahil hindi ka nya pinapansin. Tapos, sinadya mo pala syang hintayin papasok. Never mo ginawa yun saken ah. Tapos, nagsusulat ka pa sa papel, “naku, hindi mo ako pinapansin. kala ko ba kahit anong mangyari..” Todo tanggi ka pa, tapos aaminin mo din pala. Bakit mo po ako nagagawang saktan? :( Cinomfort po kita sa labas ng room, pero sinigawan mo lang ako ng “Kung gusto mong maging OK ako, MAWALA KA NA.” Kinukulit kita, pero kinurot mo ako. At dumugo yung braso ko. :(

Nung uwian na, umulan. Wala akong payong kaya sumilong muna ako. Tapos nakita ko kayong magkasukob sa payong. Samantalang ako, basang-basa sa ulan. Dumaan ako sa harap nyo para mapansin nyong nag-eexist pa ako at may nasasaktan kayo, at hinabol mo ako at pinayungan habang nanginginig na ako sa sobrang lamig. Pinauwi mo saken ang payong mo, pinabili mo ako ng gamot at pinagtetext mo ako kung nakauwi na ako.

Pero alam ko namang CARE lang lahat yun, kasi hindi na ako yung MAHAL mo.

:(

I love the way I fell in love with you at first sight

I love the way how your sleepy eyes shine so brigh

I love your innocent face that I later found attractive

And the fact that you’ll love me as long as I live

I love the way you smile as you brush away my tears

I love the way you hug me tight and take away my fears

I love our long conversations over the telephone line

And debates over mathematical terms like tangent and cosine

I love it when you sing to me at the top of your voice

And eat foods I love, though you hate it, just because you have no choice

I love it when you fall asleep on my arms or on my shoulder

I love it when you’re hungry but still give me the last bite of your burger

I love your stolen kisses then grin as if nothing happened

I love our sweet moments, how I wish they would never end

I love you because you’re not ashamed to show me the true you..

I love you because we’re great together,

I love you because you’re YOU. 

Dahil sa kakahanap ko sa completion form ko (para sa graduation application ko), nalinis ko na ang buong kwarto, kung anu-ano nakita ko, pero wala pa din.

Sinulat ko ‘to 2years ago para sa kanya.

Actually I have a hundred reasons to love him (dati), pero dahil nga 17 yung monthsary namin, so, ayan.

:)

Tulad nung mga mata namin. Kagabi sa Mr. & Ms. CCMIT 2012 coronation night.

March 3, 2012. Saturday has always been my favorite day. Balik estudyante mode, magkikita ng online friends, tapos gala kasama barkada. Wag ko lang talaga syang nakikita, nasisira yung araw ko, nasspoil yung mood ko.

Umaga. South Wing, 5th Floor. Presentation ng system sa Project Management. Late ako, as usual. Nakapagpresent naman ako, and it turned out fine. Wala pa din sya. Wala pa din SILA.

Tanghali. East Wing, 4th Floor. Pahara-hara, pagala-gala. Bili pagkain, kausap sa kung sinong makitang kakilala, bili pagkain. Wala pa din. Sana hindi na sya dumating.

Hapon. E418. May klase daw. 6pm yung pageant, at 7:30pm pa tapos ng klase ko. No choice, sinimulan ko na lagyan ng make-up yung mga kabarkada ko (Personality Development kasi yung subject). Punyemas, dumating na SYA. As usual, sabay na naman sila. Kalma. Kalma.

Gabi. PUP Gymnasium. Naexcuse kami sa klase, ang saya! Kaya lang, tinopak ang barkada. Ayaw na manood ng pageant, nagyaya na lang ng gala. Palabas na kami ng gate.. ”WAIT! Di ako sasama. Manonood ako kahit mag-isa. Babye!” Buti na lang nakita ko yung mga lower year friends ko. Pagpasok ng gym, sila ang kasama ko.

Nakita ko kaagad sya. Siguro dahil matangkad, o dahil tumayo talaga sya ng upuan para mapansin ko. Ugh, umaarangkada na naman pagiging assuming ko. Nakita ko syang tumitingin ng masama, hindi dahil ko, kundi dahil sa kasama ko. Ganun sya eh, kilala ko na. Ayaw na nya akong balikan pa, pero ayaw nya ding makitang may kasamang akong iba. Abnormal talaga.

♫ She wears high heels, I wear flat shoes. She’s the host and I am on the bleachers. Gumagawa ako ng sarili kong version ng You Belong with Me ni Taylor Swift habang tinitingnan sila. Ang ganda nya. Ang saya na. Buti pa sila.

Not until the Formal Wear competition. Intro pa lang, kilalang kilala ko na. First Love, violin version. Punyemas na kanta, bakit ngayon pa?! Hinanap ko agad sya. BOOM. Nakatingin sya. Hindi ako makaiyak, ang awkward sobra. Nawala yung focus ko sa mga rumarampa. Wala akong ibang nakikita kundi sya. Pinipilit ko nang makalimot at sumaya, pero bat ganon? Tila may nananadya. :(

Hatinggabi. Sa kwarto. Bangag at tulala. Sya lang ang nasa isip ko. Yung tingin nya, paulit-ulit na nagfflashback sa utak ko. At dahil dun, sya ang napanaginipan ko. Naglalambing. Nagsusumamo. Nagsosorry. Nanunuyo. 

Yung mga yakap nya, yung dating sya, ramdam na ramdam ko sa panaginip ko.

Hanggang sa nagising ako sa realidad na hindi yun magkakatotoo.

Eto ayaw ko pag nagkakalkal ng gamit eh, bigla akong makakakita ng kung ano tapos bigla ko sya maaalala.

Keychain na napanalunan namin sa Dart Balloons nung minsang maging instant perya yung PUP, Foundation Week ata yun. Ongoing na yung kakaibang “3-month rule” namin nung mga panahong yun (refer to http://biglaangkalungkutan.tumblr.com/post/18116177967/three-month-rule for details, sa mga hindi nabasa yun). Nagperya kami, tanghaling tapat. Kasi nga nagtatago, at alam naming walang pupunta ng ganung oras na barkada nya o barkada ko. Tinuruan nya ako kung pano mag-darts. Magaling sya. Pinapapili pa nga ako kung anong balloon yung gusto kong tamaan nya, at natatamaan naman nya. Pero nun yung feeling ko, kada dart na binibitawan nya, bumabaon sa puso ko.

Yung ngiti kasi nya eh hindi na dahil ko.

Masaya sya, pero hindi dahil kasama nya ako.

Pinipilit nyang maging mabait sa akin ng mga panahong yun, dahil iiwan na pala nya ako.

Anonymous asked: hi. aun may tatanong ako. kasi parang medyo pareho ng sitwasyon. medyo lang naman. una nia ako tapos unang beses ko magseryoso. pero sinabi nia na ayaw na nia pero ako gusto ko pa. nagusap kami tungkol dito. tapos sa bandang huli siya na ung may gusto maging kami pa din. pero ako na ung nagsabi na wag muna kasi aayusin ko muna sarili ko. kagabi lang to nangyari. at ngaun parang nagsisisi ako na hindi pa ako pumayag. kasi pwedeng pag okay na ako ayaw na nia ulit. may maipapayo ka ba? salamat :D

Hello. :)

Weird man yung unang tanong ko, pero babae ka naman siguro noh? Wala lang. Actually hindi ko alam kung anong ipapayo ko, kasi ako mismo nakikita ko yung sarili ko sayo (kung babae ka man, which is, feel ko naman oo). Gawain ko din yan eh, to tell you the truth. Yung kapag alam mong susuyuin at susuyuin ka, magpapahabol ka talaga. Well, this must be quite annoying kapag nabasa ‘to ng mga lalaki, pero kasi, sinusubukan natin kung mahal tayo eh. Wag lang OA at sobra. Hindi tayo bumibitaw, niluluwagan lang natin yung kapit para malaman kung naghohold-on pa ba.

Inexplain mo naman siguro ng malinaw yung dahilan mo kung bakit ayaw mo muna diba? Wag mo pagsisihan, be more mature sa susunod na lang. :)

Hindi biro ang magdesisyon lalo na kung pag-ibig na yung pinag-uusapan. Wag na wag kang mangangako kapag sobrang masaya ka, at wag na wag kang magdedesisyon kapag sobrang galit o nalulungkot ka. Kung maging okay ka na tapos ayaw na nya, then hindi kayo para sa isa’t isa. Kasi kung mahal ka naman talaga nya, kahit ilang taon pa yang maghintay na maging okay ka, gagawin nya.

=)

Anonymous asked: why would you still say yes? pano pag nangyari uli. pano pag nasaktan ka na naman. pano kahit after ten years siya pa rin mahal mo? pero siya, ayun. waley. (ayaw magenter haha).... me kilala kasi ako, me first love siya, parang storya niyo din. lumandi si boy(pero siyempre, iba iba ang love story). 3 years bitter yung kakilala ko. then nagkakilala kami. siya ang first love ko. pero ok pa naman kami ngayon :D. yung tanong ko po ha :D.

Ahm, hi. =)

Simple lang naman yung sagot sa tanong mo. Bakit oo? Kasi mahal ko.

Pero yang sagot ko namang yan eh temporary lang, kumbaga applicable lang sya sa “ngayon”. Ngayon : yung phase na hindi pa ako makamove-on. Kung magkabalikan man kami, I’m making sure na natuto na ako. Para kung mag-fail man ulit, atleast ready ako. Maraming pwedeng mangyari. Maraming pwedeng magbago. Malay natin hindi ko na sya mahal bukas paggising ko.

Pano kung masaktan ulit ako? Pano kung mahal ko pa din sya matapos ang matagal na panahon pero sya, wala na? One word : ACCEPTANCE.  Kumbaga sa laro, maging sport ka. Tanggapin mo kapag natalo ka. Parte na talaga na pag nagmahal ka, masasaktan ka. Pero kung wala na talaga, wag na pumag-asa. Madami ka pang larong lalaruin. Malay mo sa susunod, manalo ka na. 

Tandaan mo: The more na hindi ka nag-eexpect at the more na nahihirapan ka sa isang bagay bago mo makuha, the more na maaappreciate mo yun kapag nasayo na.

:)

  • Friend: Kayo pa ba?
  • Sya: Hindi na.
  • Friend: Sinong naglande? Haha.
  • Sya: Ako.
  • Friend: Sayang naman.
  • Sya: Uu nga eh.
  • Overheard converstion ni ex at ng isang friend nya. Naikwento lang sakin. *sigh*

Bidang bida ka dito Lou. Peace! Haha!

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako makamove-on. Yung mga tao sa paligid mo. Yung mga taong nakakaappreciate sa dating “kayo”. Parang kahapon lang, ang gulo-gulo ko sa CCMIT Freedom Wall. Hindi ko na matandaan kung anong pinag-uusapan nun eh, at tinatamad na akong ungkatin ang napakaraming posts dun sa FW para lang mahanap yun. Basta, out of nowhere yung pagkakasabi nung isang kuya dun eh“yung kasama mo sa volleyball ata yun hehe peace” and I was like, ”Luuuuh. Anong alam mo kuya? @_@”

Inadd ko sya para matanong, ayoko na kasi sumagot publicly dun sa FW. IT ako, at CS si, itago na lang natin sa pangalang kuya JC. Nakakapagtaka lang na umaabot sa CS yung loveteam naming dalawa. Haha. 

Idinedepensa pa pala ako ni Kuya JC, sabi nya daw dun sa nagtanong, “Hindi! Yung BF nyan yung matangkad.”

Nakakatuwang isipin na yung mga taong akala mo walang pakelam sayo, eh napapansin pala kayo. Ang sarap sa feeling kapag may bagong kakilala ka na sasabihin sayong “Nakikita ko nga kayo dati Ate eh, hindi ko alam pero ang cute nyo tingnan dalawa.” Pero ang sakit lang isipin na lahat ng nakikita nila noon, wala na. Lalo na kapag yung mga tao sa paligid mo, ultimo si Dean, si Chairperson at iba pang prof, namimiss makita kayong magkasama.

“Magkakabalikan ulit kayo, naniniwala ako. Anong gagawin mo kapag bumalik sya?”

Ganda ng setting ng self-seeking moment namin ni Leo, katatapos lang ng Pyromusical Competition nun, nakatambay kami sa seaside ng MOA habang background music ang  ”Kunin mo na ang lahat sa akin.. wag lang…. ang aking mahal…” .  Ayos. Dalawang emo pa naman yung nagsama. Maya-maya pa, baka mag-iyakan na kaming dalawa.

Oo nga naman, kapag bumalik ba sya, tatanggapin ko pa?

  • “Di na nuh! Spell ASA.” - sagot ko sa barkada ko. Imagine-in mo, sasagot ka ba ng OO, kung 16 mong kabarkada mismo sasapak sayo?
  • “Ha? Hindi. Ayoko na. Masaya na sya, wag na nating pag-usapan pa. :)” -sagot ko sa mga mutual friends namin na di ko kaclose at gusto lang makichismis samin.
  • “Dadaan muna sya sa inyo bago nya ako mapa-oo.” - sagot ko sa pamilya ko.
  • “Kung ngayon, HINDI, ano yun, insulto? Pero kung halimbawa, makalima o sampung taon na, at wala pa akong iba, BAKA. Wala namang masama siguro diba?” - sagot ko sa mga nakakaalam ng kwento ko, sa mga lagi kong iniiyakan, sa mga nakakaintindi ng lahat ng sentimyento ko.

At yung sagot ko sa sarili ko..

TINGNAN MO NA LANG ULIT YUNG TITLE NITO.

Anonymous asked: Napadaan lang ako sa iyong paskilan at napansin kong humihingi ka ng tanong upang magawan ng artikulo sa iyong dingding (wth? dingding?). Ako naman ay walang magawa sa hapong ito kaya't ako'y magbibgay na lamang ng isang katanungan. Kung ikaw ba ay nagmamahal, kaya mo bang gawin lahat para lamang sa kanya at panu kung di man lang niya binibigyan ng halaga ang iyong mga pagsisikap na maparamdam sa kanya na importante siya sa iyo? Ano ang gagawin mo kung sakaling sayo mangyari iyon?

Hello. Thank you sa tanong. :)

Unang-una, nangyari na saken yang tanong mo eh, so I think hindi na “kung sakali”. Kung mababasa mo lahat ng posts ko, siguro naman sapat na ebidensya na yun para masabing minahal ko talaga sya.

Parang yung psychological term na “Romeo and Juliet effect” lang. Imbes na mapaghiwalay ang isang couple for some particular reasons, mas lalo pang tumitibay at nasstrengthen yung emotions nila for each other. But on my part, that is, ako lang yung lalong lumalim yung emosyon. Bumibitaw na sya, but still I’m holding on.

People are always asking me, “Bakit ba ang bulag mo? Ang daming nagkakagusto sayo, pero sya pa din at sya yung hinahabol mo, eh ayaw na nga nya sayo.” And I would just tell them, “Hindi ko din alam eh. *deep sigh*”

That’s LOVE. Hindi mo alam kung bakit mo mahal ang isang tao. Pwedeng maattract ka sa ibang tao, pero iba pa din kapag yung mahal mo na yung kaharap at kasama mo. Kahit hindi ka nya pinapansin, kahit di nya nakikita yung efforts mo, atleast you’re satisfied na naipakita mo sa kanya yung feelings mo. At mahal mo sya kahit ano pa sya. (Kahit pusang kalye pa, joke lang.) Yung tipong kahit bagong gising sya, gandang-ganda o gwapong-gwapo ka sa kanya. Yung tipong kahit na pawisan sya o haggard galing sa byahe, yayakapin mo pa din sya kasi miss mo na agad sya kahit kahapon lang kayo nagkita at dahil adik ka sa amoy nya. Yung tipong yung ibang characteristics nya, ikaw lang yung nakakaappreciate at nakakakita. Yung tipong mapapakanta ka ng Pag-ibig ni Yeng,

 ♫“Kahit na may kasalanan ka, iiyak ako, pero PAPATAWARIN KITA.”